Make your own free website on Tripod.com


Home    About Me     My Resume'     Photos     Links     Batch 15 Group 3 Home Page





Mayaman o Mahirap (para maiba naman)


Kung mayaman ka, meron kang "allergy";
kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".

Sa mahirap, "sira ang ulo";
sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress".

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac";
sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw".

Pag mayaman ka, you're "eccentric";
kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo".

Kung mahirap ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom";
Kung mayaman ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".

Kung mahirap ka, ikaw ay "kuba";
pero kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic".

Kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga";
Pero ang senorita mo kahit kasingkulay mo, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi".

Kung nasa high society ka, you are called "slender" o balingkinitan";
Kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o "ting-ting".

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite";
kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar".

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump"
Kapag mahirap ka, ika'y "mataba", "tabatsoy" o "lumba-lumba"

Kung mahirap ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay "pakawala";
kung well-off ka, ikaw ay "game".

"Malandi" ka kung isa kang dukhang alembong;
pero kung mayaman ka, ikaw ay "liberated".

Kakaawa ang mahirap na puro gulay ang kinakain
Habang health conscious ang tawag sa mayayamang ganito.

Walang hiya ang mga mahihirap na batang sumasagot sa mga guro
Pero pag sumagot ang mga nasa exclusive school, sila'y assertive

Ang mga mahihirap ay "gumugurang";
Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood".

Ang anak ng mayaman ay "slow learner";
ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gunggong".

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says "masarap kang kumain, and I like you, you do justice to my cooking";
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o masiba".

PERO KUNG EMPLEYADO KA ...MAG-TRABAHO KA NA ULIT BAKA MASESANTE KA...





Previous         Go to top



Home    About Me     My Resume'     Photos     Links     Batch 15 Group 3 Home Page